Uncategorized

ANG KWENTO NATING DALAWA

Hayaan mong ilahad ko ang mga ito habang malinaw pa ang lahat sa ala-ala ko

 

Parehas tayong nagulat sa naging takbo ng kwento.

Nung una, isa lang naman akong tulay para sayo at sa babaeng gusto mo

Kinukulit mo ko kung paano ba kayo magkakausap kaya sinabi kong “Bigyan mo ng sulat. Ewan ko na lang kung hindi pa kumagat yan”

At ginawa mo nga, isinulat mo sa isang  dilaw na papel ang bawat salitang gusto mong sabihin sa kanya

Kinabukasan, inabot mo sakin yung sulat para ako ang mag-abot at ginawa ko naman

Naging mabilis ang pagdaan ng bawat oras at araw

Hanggang sa nagulat na lang tayo na sa atin na pala nakatutok ang kwento.

Dalawang sugatang puso, nagkasundo

Wala naman talagang ‘something’ sa atin noon pero dala nang panunukso

Nahulog ang pusong lito

Isang gabi noong araw ng Lunes, pauwi na sana ako pero niyaya mo akong sumama sa inyo sa Luneta at pumayag ako

Akala ko na simpleng gabi lang ang mangyayari noon, pero nagkamali ako

Nang gabi ring yun ay napag-usapan natin ang mga bagay tungkol sating dalawa

Sinabi ko ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko at ganun ka rin

Bago matapos ang gabing yun, hinawakan natin ang kamay ng isa’t isa

Buong akala na sabay nating haharapin ang mga darating pang araw

Lumipas ang ilang araw

Martes, Miyerkules, Huwebes hanggang sa sumapit ang araw na kinatatakutan ko

Araw ng sabado

Sa araw na ito ay tinapos natin ang isang bagay na hindi pa nasisimulan

Habang magkausap tayo ay ipinaliwanag ko ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko

Hindi ko namalayan na habang nagsasalita ako, tumutulo na pala ang mga luha sa mata ko

Muli, hinawakan mo ng mahigpit ang mga kamay ko

At sa paghawak na iyon, naramdaman ko ang mga bagay na hindi kayang bigkasin ng mga bibig mo

“Salamat kasi kahit sa maikling panahon, naramdaman ko na mahal din ako ng taong mahal ko. Na may taong kaya akong tanggapin sa kabila ng mga bagay na hindi ko maintindihan sa sarili ko” banggit ko

“Sorry. Sorry kasi hanggang dito lang tayo. Salamat kasi minahal mo ko at ang mga bagay na hindi ko kayang mahalin sa sarili ko. Masyado kang mahalaga para sakin kaya hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko” sagot mo.

Teka…akala mo ba tapos na? Maghanda ka sa mas masakit pang pangyayari sa araw na ito.

Luneta. Tangina eto na yata yung lugar na kahit gusto kong iwasan, mukhang imposible.

“Bakit mo ba ko nagustuhan?” tanong mo

“Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, minahal ko yung mga bagay na hindi mo mahal sa sarili mo” sagot ko

“Tulad ng?”

“Pagiging corny mo. Yang pagiging negative mo mag-isip. Yung frustrations at rants mo sa buhay”

“Pwede pala yun? Mamahalin mo yung tao dahil sa negativities nya”

“Depende sa tao”

Maraming bagay pa ang napag-usapan nating dalawa hanggang sa

“Eto yung bagay na ayokong mawala satin kung sakaling mag fail yung relationship natin”
“Ang alin?”

“Eto, yung napapatawa mo ko.”

“Hindi naman mawawala yun. Pero kung patuloy kang magpapalamon sa takot mo, malay natin isang araw mawala nga ako”

“At yan ang isang bagay na ayoko”

Sabay bulong ko sayo ng mga katagang “Malay mo sa ibang pahina ng kwentong ito, may ikaw at ako”

“Dumating man o hindi yung araw na magiging pareho ang tibok ng puso nating dalawa, mamahalin pa rin kita sa mga dahilan na meron ako noon at hinding hindi magbabago yun.” Dagdag ko

At ginawa mo ang isang bagay na ikinagulat ko

Hindi ko na iyon ikukwento rito dahil nais kong manatili yun bilang isang sikreto sa ating mundo

Pumatak ang 8:30 ng gabi, kailangan na natin umalis

Inihatid mo ako sa sakayan ko pauwi

Sa paglalakad, inisip ko ang mga nangyari at ang mga posible pang mangyari

Hindi ako nagsasalita kahit tanungin mo ako kung okay lang ba ako

Ayokong magsinungaling, kaya mas pinili kong itikom ang mga bibig ko

Napagtanto ko na sa kwentong ito, kahit na gaano mo kamahal ang isang tao mas pipiliin mo pa rin kung saan kayo mas tatagal

At sa huling pagkakataon, hinawakan mo ang mga kamay ko

Napansin mo bang hindi ko hinawakan pabalik ang mga kamay mo?

Baka kasi kapag ginawa ko yun, mahirapan na akong bumitaw

At sa huli, parehas nating tinapos ang gabi sa salitang ‘Paalam’

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s