Uncategorized

Salamat kaibigan

Pikit mata kong ginagawa ang tila isang tula na ito

Habang walang pigil ang pagpatak ng aking mga luha

Mula sa mga matang pagod na sa lahat.

“Sana bumukas ang lupa at lamunin ako nito” yan ang tanging tumatakbo sa aking isip

Baka sakali makaligtas ako mula sa kalbaryong ito

Mula sa daanang hindi ko alam kung saan ang dulo

O kung may katapusan ba ito.

“Piliin mong maging masaya” yan ang sabi nila

Ngunit ang aking tanong sa inyo ay eto,

Paano ka magiging masaya kung puro lungkot ang iyong nadarama?

Mahirap hindi ba?

Mahirap makipaglaban sa hangin

Ngunit mas mahirap makipaglaban sa sarili.

Alam kong masaya kayo para sa mga nakakamit ko

Ganun din naman ako

Pero pasensya na kung sa tingin nyo ay nagbago ako

Pasensya na kung ganito ako

Ayoko lang magmukhang mahina sa harapan ninyo

Dahil aaminin ko, sanay na ako

Sanay ako na ako lang ang humaharap sa laban

Sanay ako na ako lang ang nakikipagtalo mula sa multo ng kahapon

Sanay akong nasasaktan

Sanay ako na ako lang

Kung kaya’t hindi nyo ako masisisi

Kung pilit kong isinasara ang pintuan ko mula sa inyo

Maniwala kayo

Gustuhin ko man, pero natatakot ako

Minsan na akong nagtiwala

Pero nagkamali lang ako

Dahil imbes na pag-unawa ang aking matanggap

Puro panghuhusga at panlalait lamang ang aking narinig.

Hindi ko alam kung paano magsisimula

Kung saan ko hahanapin ang pagkatao ko na tila ay nawala.

Matatagalan ang prosesong ito

Muli ko na namang ilalayo ang sarili ko sa mga tao

At dahil dyan, masanay na kayo.

Gayunpaman, salamat kaibigan

Maraming salamat sa mga paalala

Sa pagsampal sakin ng katotohanan

Masakit pala.

Pero salamat pa rin sa mga panahon na ang tanging nais nyo lang ay ang ako’y sumaya

Salamat sa mga panahon na inyong ibinahagiΒ 

Salamat sa pagkakaibigan.

Pero pagod na ako

Pagod na ako sa haba ng nilalakad ko

Puro paltos at sugat na ang mga paa ko

Dadating din ang panahon na tatabi ako sa gilid ng kalsadang ito

At sasambitin ang mga katagang “Talo na ako”

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s