Uncategorized

Pasensya na

Hindi ko alam kung paano uumpisahan. Nagbago na nga ba talaga ko? sa paanong paraan? O baka naman sadyang hindi lang talaga nila ako kilala pa? O baka naman ako ang hindi na nakakakilala sa sarili ko. 

Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko habang isinusulat ko to. Hindi ko alam kung may off button ba tong mga mata ko para matigil na. Mukhang wala, kaya hahayaan ko na lang. 

Hindi ko pa rin alam kung saan ako nagkamali. Sa pagpapanggap ba na masaya ako o ang maging masaya ako ng tunay?  Sadya nga bang nagagalak ako sa mga bagay na nakakamit ko at nag-iiba na ang ugali ko? 

Sa aking mga kaibigan, naiintindihan ko kayo. Huwag kayong mag-alala dahil hindi ako galit sa inyo. Siguro ay nasaktan lang ako sa salitang “DATI NAMING MINAHAL”. Pasensya na. Pasensya na kung hindi na ako ito. Pasensya na kung hindi na ako yung DATI NYONG MINAHAL. Pasensya na kung nagbago ako. Pasensya na kung ako ito. Pasensya na

Pero salamat. Salamat sa ngiti at lahat lahat. Akin itong dadalhin habang ako’y nabubuhay. Maiintindihan ko kung lalayuan nyo na ko nang dahil dito. Huwag nyo na kong alalahanin, sanay akong mag-isa. Maraming salamat sa pagsampal sa akin ng katotohanan. Salamat

Aaminin ko, mabigat sa pakiramdam ang lahat ng nalaman ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko para gumaan ang mga loob ninyo at para mahalin nyo ulit ako. Pasensya na 

Aaminin ko, sinasadya kong hindi magkwento ng tunay kong nararamdaman dahil ayokong isipin nyo na agaw atensyon ako. Marami pa kayong dapat problemahin at ayoko nang dumagdag pa. Hindi lingid sa aking kaalaman ang inyong layunin, ngunit pasensya na ayoko lang talaga.

Ayokong isipin ng iba sa inyo na masyado akong papansin. Na hindi ko naman dapat palakihin ang mga bagay na wala namang katuturan. Ngunit sadyang hindi nyo talaga maiintindihan ang taong ang tanging nakikita lang ay ang wakas.

Wakas sa sakit, saya at sa lahat ng pakiramdam sa mundo. Dahil nakakapagod na. Nakakapagod magpaliwanag. Nakakapagod na ang lahat. Nakakasawa.

Sa ngayon, ang tanging hiling ko lang ay hayaan nyo ako. Hayaan nyong makapag-isip at makahinga ako. Dahil aaminin ko, 

NASASAKAL NA KO MULA SA BUHAY NA ITO.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s